Ina ni Carlos Yulo nakabenta ng 218 kilo ng longganisa

BINATI ng kanyang mga tagasuporta si Angelica Yulo, ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, makaraan itong makapagbenta ng mahigit 200 kilo ng home-made longganisa ala-Vigan.

Anunsyo ni Gng. Yulo sa kanyang Facebook account: “218 kilos of longganisa sold. Thank you sa support mga besh. Still available just pm my page @YULOVES food haven.”

Wala pang isang linggo nang ihayag ng nanay ni Carlos na nangongolekta siya ng order para sa ibinebenta niyang longganisa na P380 ang isang kilo.

Bukod sa longganisa, nag-aalok din ang ginang ng mga lutong ulam, putaheng panghanda, at desserts sa kanyang online food store.