Ilong ni Chloe San Jose ‘sinipit’ para tumangos

IGINIIT ng girlfriend ni Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose na ipinanganak siyang matangos na ang ilong.

Sa Facebook, isang fan ang nag-usisa kung nagpa-rhinoplasty ang dalaga.

“Nagpagawa ka po ba ng nose? Curious lang. Dun sa mga baby pic mo same kayo ng nose ng baby ko umaasa ako na tatangos pa ilong nya,” chika ng supporter.

Hindi naman nainsulto si Chloe at maayos na sinagot ang tanong.

“Nope, i’ve never gotten my nose and or anything done-IT’S ALL NATURAL. I think nakuha lang sa kakapisil when i was younger haha,” aniya.

Idinagdag ni Chloe na noong bata siya ay “sinisipit” ang ilong niya para tumangos.

“Sinisipit pa yung ilong ko dati ng pang-ipit ng damit para daw tumangos and here we are. I’m sure your baby’s nose and other features will develop pa,” sey pa ng singer at content creator.