Ilang netizens kinilig kay ‘Boy Dila’

KUNG marami ang nanggigigil pa rin kay Lexter Castro, ang “Boy Dila” ng San Juan, may mangilan-ngilan na nagsabing napatawad na nila ito makaraang mag-public apology kahapon habang pinupuri ang itsura nito.

Sa Facebook, ilang netizens ang umamin na kinilig sila nang makita ang mga larawan ni Castro nang lumutang ito sa tanggapan ni San Juan Mayor Francis Zamora.

May ilan pang humimok sa kanya na sumali sa male pageants dahil sa itsura nito na may hawig daw kina Kyle Echarri at Gerald Anderson.

Sey ng mga netizens na nahumaling kay “Boy Dila”: “Wag na nating I bash…sayang gwapo pa naman..may magandang future to.. basta magtino na siya.”

“Cutie sya infairness, basta wag lang sya mag bisyo he can maintain his freshness.”

“Sakin lang cia nababagay!”

“Kawawa naman si Lexter Castro, kitang-kitang sa mga mata niya na napapagod na siya at nahihirapan. Laban laban lang po Lexter, isang mahigpit na yakap po.”

“Hopefully he can join mister international philippines or mister pilipinas worldwide or mister of filipinas or mister grand philippines.”

“He is definitely good looking and I really wish him a bright future. If somebody will train him as a male model he can join Manhunt.”

“Gwapo tlga c boy dila.”

Iisa naman ang hirit ng mas nakararami sa mga netizens na may crush kay Castro: “Ang bababa ng standard n’yo! Ano ba yan?”