DINISKWALIPIKA ni Supreme Court Associate Justice and 2020/21 Bar Examinations chairperson Marvic Leonen ang ilang Bar examinees dahil sa hindi umano pagtalima sa Honor Code.
Sa inilabas na Bar bulletin ngayong Linggo, sinabi ni Leonen na karapatan niyang mag-diskwalipika ng mga examinees bilang Bar chairperson.
“Unfortunately, a number of examinees who were able to take the Bar Examinations violated the clearly published policies of the Office of the Bar Chairperson and their Honor Code,” ayon sa bulletin.
Ayon sa mahistrado diniskwalipika ang ilang examinees dahil sa hindi pagdisclose na nagpositibo sila sa COVID-19 bago ang eksaminasyo; ang iba naman ay nagpuslit ng cellphone sa loob ng examination room; at nagkaroon ng access sa social media sa kanilang lunch break sa loob ng examination center.
“In the course of the Bar Examinations, the Office of the Bar Chairperson has received reports of examinees who deliberately entered the local testing centers without disclosing that they had previously tested positive for COVID-19; who smuggled mobile phones inside the examination rooms; and who accessed social media during lunch break inside the premises,” dagdag ni Leonon.
“For their infractions, I am exercising my prerogative as Bar Chairperson to disqualify these examinees from the 2020/21 Bar Examinations,” anya pa.
Ang diskwalipikasyon ay para lamang sa taon na ito, paliwanag naman niya.
Hinikayat din ng mahistrado ang mga nadisqualify na magmuni-muni sa kanilang mga ginawa.
“For now, reflect on what you have done, but know that you can still change your narrative. You will not end up as the examinee who lost your honor forever in your desperation to pass an examination. Learn from your mistake, and earn your honor back,” dagdag pa ni Leonen.