PINAGKAGULUHAN ng mga tao sa Pandawan Fish Port sa Mercedes, Camarines Norte ang higanteng lapulapu o grouper na nalambat ng mga mangingisda sa lugar.
Ayon sa ulat, nasa 200 kilo ang bigat ng isda at naibenta sa presyong P27,000.
Napag-alaman na ito ang unang beses na ganoong kalaki ng lapulapu ang dinala sa daungan.
Isa ang lapulapu sa pinakamahal na uri ng isda dahil sa lasa at texture nito.
Higanteng lapulapu nalambat sa Camarines Norte
