NA-BASH nang husto ang isang guro sa Cebu City sa ginawa nitong pagpapabida sa social media kaugnay sa umano’y dayaan sa pagsusulit ng dalawa niyang estudyante.
Sa TikTok video ng isang @laagangteacher, mapapanood ang hindi nakilalang guro na hawak ang dalawang answer sheets habang inanunsyo sa klase na mayroong naganap na dayaan sa periodical test.
Paliwanag ng guro, parehas ang score ng dalawang Grade 11 students dahil parehas ang mga tama at maling sagot. “Pattern nila answer ba,” aniya.
Kinalaunan ay umamin na nagkopyahan ang dalawang mag-aaral, na pinangalanan ng teacher sa video.
Makaraang pangaralan sa kanilang pagkakamali, sinabihan ang dalawa ng guro na papayagan niyang muling kumuha ng eksamin ang dalawa.
Hindi rin niya ire-report sa kanilang adviser ang pagkokopyahan dahil umamin sila sa pagkakamali.
Opinyon ng publiko:
“You don’t have to confront them in public ma’am you should have tell them in private.. (especially maybe they’re all minors).”
“Wala ko nag judge ha” *proceeds to judge students by name dropping them*”
“Pede mn unta e estoryahon ug private.”
“My god naka public na nangyayari sa school.”
“Ako yung kinakabahan para sa license ni Mam.”
“Emotional damage c maam.”
“Allowed pala magtiktok content sa loob ng clasroom, hmmm.”
Kaugnay nito, iniimbestigahan na ng Department of Education ang guro.
Ani DepEd-7 regional director Salustiano Jimenez, inatasan na niya ang assistant regional director na magsagawa ng imbestigasyon.