PINALAGAN ng Gabriela partylist ang advertisement ng fastfood chain na Subway na ngayon ay viral sa social media.
Ito ay matapos ihambing ang mga itinitindang produkto sa mga babae. Ayon sa Gabriela ang nasabing commercial ay isang uri ng sexual objectification sa hanay ng mga kababaihan.
“We, in Gabriela Women’s Party, are concerned with the underlying message of Subway’s newest campaign advertisement which objectifies women,” ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.
Idinagdag ni Brosas na makikita sa ad na kinukumpara ng social media personality na si Kimpoy Feliciano ang tatlong babae sa sandwich options, kung saan inilarawan niya ang mga ito na “biggest, tastiest, and meatiest.”
“We would like to remind Subway that women are not pieces of meat. The advertisement reeks of sexism and misogyny. It is deeply offensive, triggering, and insensitive, especially when many Filipino women continue to experience various forms of sexual violence and abuse,” dagdag ni Brosas.
“This is a stark reminder that, when it comes to the way we portray women in the media, we still have a very long way to go,” ayon pa kay Brosas.
Nanawagan siya sa Subway na tanggalin ang ad.
“We urge Subway to take down this advertisement and issue an apology to the public. May this incident serve as a lesson for companies to do better, and be more sensitive to the plight of women,” sabi pa ni Brosas.