‘Disney Princess’ ng Malabon umani ng bash

“DISNEY Princess”.

Ganito ilarawan ng netizens si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval makaraaang mag-viral ang mga larawan niya na kuha sa rescue operations noong kasagsagan ng matinding pagbaha sa Metro Manila nitong Miyerkules.

Si Sandoval mismo ang nag-post ng mga photos sa social media noong Miyerkules pero tinanggal din niya ngayong araw.

Sa isang panayam, sinabi ng alkalde na kuha ang mga larawan habang papunta sila sa dalawang buntis na manganganak at kailangang dalhin sa ospital.

“Medyo malalim na talaga ‘yung dadaanan papunta doon sa ospital ng Malabon so sinakay na lang namin sila sa bangka para makarating na,” aniya.

“Mahirap namang manganak sila sa kalsada kaya talagang ginawan namin ng paraan para makarating sila sa ospital,” dagdag ng mayora.

Dedma naman si Sandoval sa mga pumupuna sa kanya.

“Kung maayos naman ‘yung comment e ‘di okay lang. Pag hindi naman maayos, hindi ko na lang po pinapansin,” sey niya.