DAISY_LICIOUS UKAY BINAGYO NG 150K VIEWERS

LAGPAS 150,000 netizens ang nag-view ngayong gabi sa shout-out session ni Daisy_licious Ukay, ang online seller na may kakaiba, kwela at kontrobersyal na klase ng pagbebenta.

Hindi nagtulak ng kanyang paninda si Daisy_licious Ukay, Daisy Cabantog sa totoong buhay, ngayong gabi pero tinambayan pa rin siya ng kanyang mga fans at iba pang na-curious sa kanya.

Talaga namang patok si Cabantog, na kilala rin bilang Madam Inutz, dahil sa kanyang pagiging hyper, walang habas na pagmumura at walang pakundangang pag-inom ng alak habang nagla-live selling.

Kaya maliban sa mga bumibili sa kanyang mga ukay-ukay, dagsa ang mga netizens na gustong magpa-shout out at magpamura sa kanya.

Kamakalawa ay nagreklamo si Cabantog dahil umabot nang 17,000 ang kanyang viewers pero ni isa ay walang nagma-mine sa kanyang ibinebenta at ang gusto lang ay magpabati.

Sey niya sa post niya sa Facebook: “Umabot 17.4K viewers kahapon ni isa WALANG NAG MIMINE NAG POPCORN PANGA MGA HINAYUPAK 🍿🍿🍿 BTW THANK U SA MGA NAG SEND TRU GCASH 💸💸💸 HAYUP kayo 😆LIVE SELLING NAPUNTA SA LIVE COMEDY SHOW.”

Pero happy pa rin siya dahil marami siyang napasaya.

“Masayang masaya ako kahit papanu na iibsan ko lungkot nyo lalo na sa pandemic nato, wag tayong pa talo sa problema or depression,, TAWA LANG TAYO MGA INUTZZZ HAPPY LANG DI NATIN ALAM KUNG KELAN PAPANTAY PAA NATIN 😬 good vibes lang tayo palagi I LOVE YOU ALL THANK U SA MGA EFFORT NYO SA EDIT ANG PICTURE KO NILAGAY NYO PA TALAGA SA KAHON HAYUPPP KAYO 🤣🤣🤣😂😂😂 MGA GUNGONG INUTILLL,” dagdag niya.