BUONG ningning na isinapubliko ni Chloe San Jose, girlfriend ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, na wala siyang ipinaretoke sa kanyang mukha at katawan.
Ginawa ito ni Chloe para tuldukan ang mga haka-haka na “produkto ng siyensya” ang kanyang mukha, partikular ang kanyang ilong.
Sa recent social media post ni Chloe, isang netizen ang nagkomento na retokado ang dalaga.
“Sabi n eh..ngpagawa n s ilong hahaha. retake [retoke] p more hahaha,” pintas ng netizen.
Hindi naman ito pinalagpas ni Chloe.
“Ano po yung retake…?” sey niya.
“Fyi and i’ve said this so many times, i’ve never had any surgery done to my face/body,” gigil na dugtong ni Chloe.