PLANO ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na ibahagi sa mga kabataan ang kanyang mga kaalaman ukol sa gymnastics.
“Gusto ko rin ma-share ‘yung knowledge na natutunan ko po sa naging journey ko,” ani Yulo sa isang panayam.
“And siyempre to have fun din po ‘yung mga bata, and ako na ma-enjoy ko yung pag-share ng naging journey ko po,” dagdag niya. Nakatakda na rin siyang bumalik sa Japan para pasalamatan ang mga tumulong sa kanya roon.
Matatandaan na ilang taon din ang inilagi ni Yulo sa Japan para mahasa ang kanyang husay sa gymnastics sa ilalim ng dating coach na si Munehiro Kugimiya.
Nagtungo sa Japan si Yulo noong 2016 upang pag-aralan ang lengguwahe sa Teikyo Study Abroad Center.
Makaraang magtapos sa Teikyo University Junior College ay nag-aral siya sa Teikyo University.