Bata naiyak sa regalong nakuha sa exchange gift

HALOS maghuramentado ang isang ginang ukol sa nakuhang regalo ng anak sa exchange gift nito sa paaralan.

Hinagpis ng nanay, pinag-isipan at pinagkagastusan ng kanyang anak ang regalo nito kaya lubhang nadismaya ang bata sa natanggap.

Ang nakuhang regalo ng paslit: basahan!

Talak ng ginang na si Mar Ya sa Facebook post: “Sino ba naman magagalit na magulang ang pagtripan ang regalo para sa anak?”

“Ang ganda po ng regalo niyo sa anak ko!” sarkastikong sambit nito. “Basahan at pamunas talaga?”

Pahayag pa ng ginang, nag-iiyak ang anak nang makita ang laman ng kahon pag-uwi nito ng bahay.

“Ang ganda ng regalo ng anak kasi ang sabi 150 ang exchange gift! pero basahan naman ang binigay niyo!” aniya.

“Kung pwede lang pangalanan! Talagang papangalanan ko kayo para mapahiya kayo! Iyak ng iyak tuloy ang anak ko!!!” dagdag ng ina.