BALUT ang itinuturing na worst egg dish sa buong mundo, ayon sa TasteAtlas website.
Kasabay nito, tinagurian din ng food travel website ang balut bilang “poor man’s meal” sa Pilipinas.
Ito ay inilarawan bilang “a duck egg that has been hard-boiled, fertilized, and incubated. Traditionally, the cooked embryo is consumed straight from the shell. It is considered an aphrodisiac that is commonly paired with a cold beer on the side.”
Kadalasan ito ay ibinibenta o inilalako sa kalye, at ang iba naman ay ginagawa itong sophisticated na dish sa mga malalaking restaurant.
Samantala, nasa ikapitong pwesto naman ang tortang talong bilang best egg dish sa buong mundo.
“Inexpensive and quickly prepared, tortang talong can be enjoyed at any time of day as a hearty breakfast, lunch, or dinner,” ayon pa sa website.
Ang tortang talong ay gawa sa inihaw na talong na sinamahan ng itlog at saka ipiniprito. Mas masarap ito kung isasawsaw sa ketchup, tomato man o banana.