Babae na nag-reserve ng parking space sa sementeryo sinigawan, hinawi, na-trauma

TINALAKAN na sa personal, tinalakan pa ng netizens ang isang babaeng sales agent na tumayo sa parking space ng sementeryo sa Las Piñas para hindi makapag-park ang ibang sasakyan.

Ang rason ng ahente, na hindi pinangalanan ng PUBLIKO, ay hindi niya alam na bawal na mag-reserve ng parking space at wala naman umanong sumita sa kanya sa pagtayo niya roon nang mahigit 30 minuto.

Sa kanyang Facebook post, inilahad ng ahente ang kanyang panig bago inutusan ang mga netizens na burahin at huwag i-repost ang video nang pagkumpronta sa kanya ng ibang mga dumadalaw sa sementeryo.

“Everyone, Whoever saw the viral video at Golden Haven please pa report po, here the story, im with my dad na senior citizen, may mga bata at baby pa. “i didn’t know that’s illegal” (Sorry😭) almost 30 mins, 6:10pm ako nakadating dun sa area and may umalis na naka park,  since na malapit na nag hihintay ako dun and madaming dumaan na sakin na cars and officials walang nag sabi sakin na bawal yun. then dumating yung family na naka montero around 6:30-6:40pm something then pag dating na pag dating nila naka high-pitched sila agad ang hinahon ko kausap na ‘may mag papark po nadyan na po sasakyan namin.’ Even staff natataranta na kasi naninigaw na sila, kung nakikita niyo sa video na kahit sinisigawan na ako sa harap ng mukha ko, pinapahiya na ako sa maraming tao and dinuduro na ako. sa dami dami nila kahit isa dun walang kumausap sakin ng maayos wala akong nakitang respeto sa part na yun,” aniya.

“Again hindi ko po alam talaga, hindi ako naging arogante, nakikipag usap ako ng maayos , sa buong buhay ko wala pong gumawa sakin ng ganun. Sa mga nakakakilala sakin masayahing tao po ako madaldal akong tao pero isa lang na pag kakamali yung nagawa ko pero yung binigay niyo sakin trauma, nag sosorry po ako sa part na yun. never ako nag taas ng boses dinaan ko sa mabuting  usapan, sa nag sasabi na bakit hindi nalang ako umalis nandun napo ako sa puntong hindi ko na alam gagawin ko kasi tinaasan na ako ng boses una palang and naka video pa, hindi ko alam san ako pupunta, yung hiya, yung iskandalo na nangyare, discrimination and all, may nag sabi pa na ‘tapos naka wigo lang naman ei no’ hindi ko po kayo binastos pero sa parking sorry po sa part na yun.

“Wala akong magawa gusto kona umiyak  that time kasi hindi po ako aware pero yung binigay niyo sobra po.”

Dagdag niya pinag-aaralan na niya kung irereklamo ang sangkot ng “verbal abuse, public scandal and cybercrime.”

Rumesbak naman ang isa mga sakay ng Montero at iginiit na maraming inabalang motorista ang ahente.

“Yung isang mother na sinigawan ka is hindi namin kasama. Isa yun sa mga inabala mo dahil sa drama mo. Pinakiusapan ka nung matanda kung pwede mag move ka na kasi emergency need sunduin yung nanay niya,” ayon dito.

“And ano sabi mo? Hindi ka aalis. So bakit hindi mahi-highblood sayo yung matanda? Skwater kami? Kami yung nakakaabala? Ok atleast hindi kami ikaw,” dagdag ng sakay ng Montero.

Base sa video, hindi umalis ang ahente kahit marami na ang sumisigaw rito kaya isang babaeng unang nagmamasid lang ay hinawi siya palayo ng parking space.

Nang maka-park ang Montero ay nagpalakpakan ang mga tao.