NAUNGUSAN ng Ateneo de Manila University ang University of the Philippines (UP) bilang top university sa bansa, ayon sa Times Higher Education’s World University Rankings list.
Nasa ika 351 hanggang 400 ang Ateneo sa listahan, habang ang UP ay nasa 801 hanggang 1,000 ranking.
Samantala, pumasok naman ang De La Salle University (DLSU) sa rank 1201 hanggang 1500 at ang Mapua University na pasok sa 1501+ na ranking.
Noong isang taon, nanguna ang UP na nasa ranggo mula 601 hanggang 800.
Kabilang sa mga asignatura na mataas ang Ateneo ay ang Teaching, Research, Citations, Industry Income, at International Outlook.