Aso pinang-cover up sa Rosmar tattoo

TINAKPAN ng image ng aso ang mukha ng businesswoman at social media personality na si Rosmar Tan na ipina-tattoo ng isang lalaki sa kanyang binti.

Bago ang pag-cover up ay humingi muna ng paumanhin ang tattoo artist si Tatan Fowler kay Rosmar at sa artist na nag-tattoo sa kanyang kostumer.

Ani Fowler, pinatakpan ng kanyang kliyente ang mukha ni Rosmar dahil nagagalit ang misis ng lalaki tuwing nakikita ito.

Shinare ni Fowler sa Facebook ang video ng proseso ng pagta-tattoo para tuluyang matakpan ang mukha ni Rosmar.

Natuwa naman ang kostumer sa kinalabasan ng cover up dahil “total wipe out” ang mukha ni Rosmar, ani Fowler.