UMALMA ang aktres na si Carla Abellana sa mga akusasyon na mas mahalaga para sa gaya niya na animal welfare advocate ang buhay ng hayop kesa sa tao.
Sa Instagram story, ibinahagi ni Carla ang social media post ng isang netizen ukol sa bata na pinagsasakmal sa mukha ng isang aso.
Halos hindi na makilala ang bata dahil nagkalasog-lasog ang mukha nito sa mga kagat.
Caption ng netizen: “Eto ang nagagawa ng pagpapabaya ng isang dog owner. Mag justice for Killua ka pa ba kapag nangyari ito sa pamilya mo? Anong gagawin mo sa aso hele lang?”
Ani Carla, marami ang nag-tag sa kanya sa nasabing post kaya nagdesisyon siyang sagutin ito.
“It’s dumbfounding how some people think we animal welfare advocates are doing something wrong and that we don’t care about humans,” sambit niya.
“What’s with all the anger? I really don’t understand,” dagdag niya. Isa si Carla sa mga celebrities na nanawagan ng hustisya sa pagpatay sa golden retriever na si Killua sa Bato, Camarines Sur kamakailan.