Angelica Yulo nagpasalamat sa rich sponsor

TODO-pasalamat ang mommy ni Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica sa nag-sponsor ng recent Singapore trip niya.

Hindi naman binanggit ni Angelica ang pangalan ng sponsor na nagbigay ng cash para sa kanyang bonggang lamyerda.

Bukod sa anonymous supporter, nag-thank you rin siya sa anak na si Elaiza dahil ito ang nanlibre sa kanya ng plane ticket.

“Bye SG see you Manila in a bit. Thank you to the kindhearted woman who sponsored our stay in one of a luxurious hotel in SG for 1 week, with matching pocket money,” chika ni Angelica.

“Thank you so much God bless you more (she doesnt want to mention her name),” dagdag niya.

“Thank you also to my eldest daughter, my travel buddy and food buddy for sponsoring my air fare ticket, love you always!” caption pa ni Angelica sa Facebook post.