Alden nagpakain ng nagsisimba

SINALUDUHAN ng publiko ang Kapuso actor na si Alden Richards sa ginawa nitong pagpapakain sa mga nagsisimba kamakailan.

Ibinahagi ng Facebook user na si Yumijane Katug ang video ng isang pari na inanunsyo sa misa na dumiretso ang lahat sa McDonald’s branch ni Alden sa tapat ng simbahan dahil magpapakain ang aktor.

“Nais ko lang pong ipagbigay-alam sa inyong lahat na mayroon po tayong nagkatakdang distribution of foods.

Si Alden Richards ay may franchise ng McDonald’s, magda-drive-through po kayo sa McDo CSPP.

Dito lang po ‘yun sa harap ng ating simbahan. Naka-ready na po ‘yung mga pagkain natin do’n,” ayon sa pari.

Nagpasalamat naman si Katug kay Alden para sa mga pagkain na ibinigay sa kanila.

“Kahanga hanga talaga ang isng Alden Richards kaua grabi ang blessings ng tao na ito sa kbila ng mga binabato skanya kasi mas nakafucos sya sa pagbabahagi ng blessings nya at pagpapaulnlad upang makatulong sa iba,” aniya sa caption.