Veteran sports journalist Chino Trinidad pumanaw.

SUMAKABILANG-buhay na ang beteranong sports journalist na si Chino Trinidad Sabado ng gabi, Hulyo 13, 2024. Siya ay 56.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Floresse Trinidad ang pagpanaw ng ama bunsod ng heart attack.

Ayon kay Floresse, papunta anya sana sa meeting sa Newport World Resorts para sa isang meeting kasama si Efren “Bata” Reyes at iba pang personalidad ng inatake ito sa puso.

Isinugod pa si Chino sa San Juan de Dios Hospital kung saan siya binawian ng buhay.

Sa pahayag ng pamilya, kinilala siya ng kanyang mga anak bilang “a passionate member of the media and sports community.”

“Known to many through his storytelling, he never stopped sharing the greatness of Filipinos,” anila.

“He was a loving husband and a supportive father. He will trule missed,” dagdag pa ng mga ito.