Pinoy golfers sa Olympics walang uniform

INIREKLAMO ng golfer na si Dottie Ardina ang umano’y kawalan ng uniporme sa 2024 Paris Olympics.

Sa video, inilabas ni Ardina ang sama ng loob habang ipinakikita kung paano niya idikit ng tape ang logo ng Pilipinas sa kanyang damit.

Isang double sided tape ang ginamit ng golfer.

“Sana all may uniform. Kami lang ang wala. Kailangan pang bumili ng t-shirt. Ano ba namang klaseng Olympics ‘to?” hirit niya.

“Shout out diyan sa mga hindi nagbigay. Nasaan na ba ang uniform namin, saan na napunta? Dadalawa na lang kami dito, 22 na lang atleta kulang-kulang pa. O di ba?” dagdag pa ni Ardina.

Ayon kay Ardina, ang Pilipinas lang ang walang uniporme sa palaro. “Nakakahiya. Sobrang daming tao, kami lang ang walang uniform,” sey niya.

Sina Ardina at Bianca Pagdanganan ang mga kinatawan ng Pilipinas sa golf.