Petecio pupuntiryahin gold; bronze medal sigurado na

PINATAOB ni Nesthy Petecio ang kalaban nitong Chinese boxer na si Zichun Xu packing sa laban nila sa quarterfinals ng women’s 57kg sa 2024 Paris Olympics Linggo ng gabi sa North Paris Arena.

Dahil dito sigurado na si Petecio sa bronze medal at may tsansa pang masungkit ang gold.

Hinihintay na lang nito kung sino ang mananalo at makakaharap sa pagitan ng Puerto Rico na si Ashleyann Lozada Motta o ang Polish na si Julia Szeremeta.