PUMANAW na ang basketbolistang si Terry Saldaña nitong Miyerkules matapos ang mahabang pakikipaglaban sa sakit sa bato. Siya ay 64.
Si Saldaña ay isa sa mga hinangaang player sa Philippine Basketball Association (PBA) noong 1980s.
Kinumpirma naman ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagpanaw ng basketbolista Miyerkules ng gabi, matapos ang pakikipag-usap kay Ed Cordero na kasamahan ni Saldaña sa koponang na kanilang pinagsamahan na Toyota.
Unang nakilala si Saldaña sa larangan ng basketball nang mapabilang siya Sa Letran High School noong 1970s.
Naging manlalaro siya ng Toyora noong 1982, kung saan ay tatanghalin sana siyang Rookie of the year ngunit naunsyami matapos siyang isuspinde dahil sa kanyang naging papel sa gulo sa South Korean national team sa kanilang laban sa Invitation Conference.
Matapos ang isang taon ay nasungkit niya ang Most Improved Player hanggang sa maging isa sa PBA faces nitong dekada 80.