Paalam ayaw magpaalam: Sigurado na sa medalya

TINAPOS ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam ang gold quest ng Olympic champion na si Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa laban nila Martes ng umaga.

Tiyak nang may maiuuwing bronze medal si Paalam matapos tuldukan ang laban nila ng Uzbekistan boxer, na champion sa Rio 2016, para sa men’s flyweight quarterfinal.

Inihinto ang laban ng dalawa sa kalagitnaan ng second round matapos magtamo ang kapwa boksingero ng mga sugat sa kanilang mga ulo. Wagi ang Pinoy boxer via split decision.

Si Paalam, na tubong Bukidnon ay sasabak sa Agosto 6 kontra Japanese boxer.