MATAPOS mabinbin ng isang taon bunsod ng coronavirus pandemic, sinimulan na ang Tokyo Olympics torch relay ngayong Huwebes, hudyat na tuloy-tuloy na nga ang palaro sa Hulyo 23.
“This little flame never lost hope and it waited for this day like a cherry blossom bud just about to bloom,” ayon kay Tokyo 2020 chief Seiko Hashimoto sa panayam sa media sa Fukushima, kung saan sinimulan ang relay.