WALA pa rin balak magpaalam si Carlo Paalam sa kanyang Olympic gold journey matapos niyang talunin ang Japanese boxer na si Ryomei Tanaka sa men’s flyweight semifinal round.
Tinalo ni Paalam si Tanaka via unanimous decision nang magtapat sila Huwebes ng hapon sa Kokugikan Arena.
Sigurado na si Paalam na makakamit ng silver medal sakaling hindi siya palarin sa finals sa Agosto 7 kalaban ang boksingero mula sa Great Britain na si Galal Yafai o Kazakhstan’s Sakeh Bibossinov.
Nagsimula bilang scavanger, si Paalam na tubong Cagayan de Oro ay ipinanganak sa Bukidnon at nagsimula ang pagkahilig sa boksing sa batang edad na 7.