Nesty Petecio pasok na sa 2024 Paris Olympics, tatargetin gold

PORMAL nang nakapasok sa 2024 Paris Olympics ang boksingerang si Nesthy Petecio, at target nitong masungkit ang mailap na gintong medalya.

Noong 2020 Tokyo Olympics, silver and naiwui sa Pinas ni Petecio.

Nakuha ni Petecio ang ticket para makapasok sa Paris Olympics sa Hulyo matapos nitong talunin ang Turkish na si Esra Yildiz Kahraman sa 57-kg finals sa 1st World Qualification Tournament sa Busto Arsizio, Italy.

“I am so blessed. This is very important for me because maybe this is my last Olympics,’’ ayon kay Petecio sa olympics.com matapos tanghalin na kauna-unahang female boxer para masungkit ang magkasunod na Olympic ticket.

Bukod kay Petecio, nakapasok na rin si Aira Villegas sa Olympic quota matapos magwagi sa laban nito kay Zlatislava Chukanova ng Bulgaria sa 50-kg category.

Makakasama nina Petecio at Villegas sa Paris ang kapwa nila boksingerong sina Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial, pole vaulter Ej Obiena at gymnast na si Carlo Yulo at Aleah Finnegan.