INDEFINITE suspension ang ipinataw ng NCAA sa manlalaro ng JRU na si John Amores matapos nitong pagsusuntukin ang hindi bababa sa apat na manlalaro ng College of Saint Benilde nitong Martes.
Ayon sa review ng league Management Committee, napatunayan na intentional na binunggo at dinuro ni Amores ang isang referee, binastos pa ang JRU representative na si Paul Supan at mga court officials. Sinugod din nito ang bench ng mga taga-Benilde dahilan para magkainitan ang dalawang grupo.
Bukod dito, pinagsusuntok din ni Amores ang mga players ng Benilde na sina Mark Sangco, Jimboy Pasturan, Taine Davis at Migs Oczon.
“Violence has no place in the NCAA. The ManCom condemns, and will not tolerate, any acts of violence that will endanger our athletes, participants, officials, supporters, and the public. The safety of everyone is our primordial concern,” ayon sa ruling ng NCAA Mancom na inilabas nitong Miyerkules.
Samantala, sinuspinde sa dalawang laro si Sangco, kasama ang mga ka-teammates nitong si CJ Flores dahil sa disrespectful acts sa harap ng Mancom representatives.