Site icon Pinoy Publiko

Mike Tyson nanampal ng YouTuber

KUNG hindi agad naawat ay nagkagulo aa weigh-in nina Mike Tyson at Jake Paul ngayong araw ng Biyernes makaraang sampalin ng former heavyweight champion ang YouTuber-turned-boxer.

Nagalit ai Tyson, 58, nang angasan ni Paul, 27, sa formal weigh-in sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas kaya pinatikin niya ito ng kanyang kanang palad.

Napaghiwalay naman kaagad ang dalawa ng kanilang mga security.

Sa weigh-in, lumabas na may bigat si Tyson na 228.4 pounds habang 227.2 pounds si Paul.

Maghaharap ang dalawa sa ring sa November 15 (November 16 sa Pilipinas) na mapapanood sa Netflix. 

Exit mobile version