Marcial bigo sa target na Olympics medal

HINDI pinalad ang Pinoy boxer na si Eumir Marcial na makalusot se elimination round sa Paris Olympics matapos siyang talunin ng baguhan sa summer games na si Turabek Khabibullaev ng Uzbekistan sa kanilang laban Miyerkules ng madaling araw sa North Paris Arena.

Ginulat ng 20-anyos na si Khabibullaev ang 2021 Olympic bronze medalist na si Marcial sa unang dalawang round ng kanilang match.

Sinubukan pang bumawi ni Marcial sa ikatlong round ngunit hindi pa rin naging sapat para maungusan ang score ng kalaban na nagwagi sa pamamagitan ng unanimous decision.