PUMANAW na ang Pinay sprint legend na si Lydia de Vega Miyerkules ng gabi dahil sa breast cancer. Siya ay 57.
Inanunsyo ng anak ng atleta na si Stephanie Mercado ang pagkamatay ng ina sa Fecebook.
“On behalf of our family, it is with absolute grief that I announce the death of my mother, Lydia De Vega this evening, August 10, 2022, at the Makati Medical Center. She fought the very good fight and is now at peace,” ayon sa post ni Mercado.
Kinilala ang galing ni De Vega bilang pinakamabilis na babae sa Asya matapos manalo sa 100-meter gold medal sa 1982 at 1986 Asian Games. Tinanghal din siyang ruler ng sprint double sa Asian Athletics Championship noong 1983 at 1987. Siyam na beses din siyang nakapag-uwi ng gintong medalya sa Southeast Asian Games.
Samantala nagpahayag ng pakikiramay ang Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) sa pamilya ni De Vega.
“On behalf of the men and women of the Patafa, our deepest condolences and prayers to the family of the great Lydia de Vega. We lost one of our own, one of our best but her spirit will live on in our hearts,” ayon kay Terry Capistrano ng Patafa.