LEBRON, LAKERS LAGLAG SA FIRST ROUND

MALUNGKOT ang Laker Nation matapos sila talunin ng Phoenix Suns sa kanilang 1st Round Playoff matchup ngayong araw sa score na 113-100.

Umiskor ng 47 si Devin Booker para sa Suns, habang nagtala ng 29 si LeBron James para sa defending Champion Lakers.

Pang pito lamang na pagkakataon ito kung saan umexit sa first round ang defending champions. Aabante naman ang Phoenix Suns sa 2nd round upang harapin ang Denver Nuggets na nanalo din sa kanilang series laban sa Portland Trailblazers.