Kagila-gilalas: South Korea pinataob ng Gilas

SA unang pagkakataon sa mahabang taon ay naipanalo rin ng Gilas Pilipinas ang laban nito kontra South Korea sa laro nito para sa final window ng FIBA Asia Cup qualifier sa Angeles City Foundation Gym sa Clark Miyerkules ng gabi.

Naitawid ni SJ Belangel ang laban nang magtapos ang laro sa 81-78, pabor sa Gilas.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa South Korea sa mga naging laban nito sa FIBA Aisa simula noong 2013.

Sa natitirang segundo ng laro, tinapos ni Belangel ang tila “sumpa” ng Korea laban sa Pilipinas nang pakawalan nito ang triple-shot, na siyang maghahatid sa grupo para sa Asian Cup proper sa Agosto.