IPINAGMALAKI ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang panalo ng anak na si Jimuel sa unang sabak nito sa amateur junior welterweight fight sa US.
Tinalo ni Jimuel si Andres Rosales sa laban na ginanap sa House of Boxing Gym sa San Diego, California, nitong Sabado.
“Congratulations to my son @pacquiao.emmanuel on fighting and winning his first U.S. amateur fight at junior welterweight! I’m so proud of you. #TeamPacquiao,” ani Pacquiao bilang caption sa mga ipinost na larawan ng anak.
Ayon sa ulat, mananatili si Jimuel sa Los Angeles para sa ipagpatuloy ang training sa Wild Card Boxing Club.