Jaworski may ‘rare blood disease’


NAKIKIPAGLABAN sa isang rare blood disease ang basketball legend na si Robert “Sonny” Jaworski.


Ayon sa anak niyang si Dodot, makaraang tamaan ng pneumonia noong isang taon ay may bagong karamdaman ang ama.


“Last year, medyo may mga health issues na ang dad ko. And unfortunately, di pa siya nakaka-recover ng 100 percent, up to now,” ani Dodot sa panayam ni Anthony Taberna.


“Mayroon siyang blood disease, e. It’s a problem na elevated ang kanyang iron, pero at the same time anemic siya,” dagdag nito.


“For the past so many years, we’ve been trying to look for doctors here and abroad but none of them can understand anong nangyayari sa kanya. He’s okay naman but he’s not 100% physical strength,” kwento pa ni Dodot, mister ni Mikee Cojouangco.


“Inaalagaan siya sa bahay niya sa Corinthians. There are days he’s in high spirits, doing very well. May mga araw lang namang tahimik din siya. Sana nga bumalik ‘yung kanyang sigla at lakas,” kwento pa niya. –A. Mae Rodriguez