MATATAGALAN pa bago katawanin ng Filipino-British gymnast na si Jake Jarman ang Pilipinas sa Olympics.
Sa isang panayam ay tinanong si Jarman kung Pilipinas ba ang ire-represent niya sa Los Angeles Olympics sa 2028.
Ang sagot niya: “I’ll still be definitely with UK.”
Ayon kay Jarman, maaari lang itong maganap sa dulo ng kanyang karera.
“For me, competing for the Philippines, it would be amazing, but at the moment, it’s hard for me to make a decision like that,” paliwanag niya.
“I’ve got family back in the UK, but I think for me, if maybe I’m [at] the end of my career, maybe I’m still at peak performance, who knows, maybe?” dagdag ni Jarman.
“I definitely would not be closing any doors but I think for the next four years, I’ll still be definitely with UK,” sabi pa ng 22-anyos na atleta.
Taliwas ang pahayag ni Jarman sa naunang anunsyo ni Cynthia Carreon, pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines, na gusto umanong maglaro ni Jarman para sa Pilipinas.
“Next olympics, he wants to play for the Philippines. So we’ll seek FIG’s (international gymnastics federation) permission. I will write a letter and we’ll see if FIG says yes or no. Ang importante may Philippine passport siya,” dugtong ni Carreon.