PORMAL nang itinalaga bilang World Chess Hall of Famer ang kauna-unahang Pinoy at Asia’s grandmaster na si Eugene Torre.
Nitong Miyerkules pormal na naisama ang 70-anyos na Pinoy chess icon sa World Chess Hall of Fame na ginawa sa Missouri, USA.
Nakuha ni Torre ang titulong kauna-unahang Asian grandmaster noong 1974 nang makuha niya ang silver medal sa edad na 22 sa 21st Chess Olympiad in Nice, France.
Bago ang pagkakasama niya sa World Chess Hall of Fame, napabilang na rin siya sa listahan ng World Chess Federation nitong Abril.
Lalong nakilala si Torre nang talunin niya sa unang pagkakataon ang world champion na si Anatoly Karpov noong 1976.