Ginebra wagi sa 2022 PBA Commissioner’s Cup; buong barangay nagbunyi

PINATAOB ng Barangay Ginebra sa harap ng may 55,000 manood sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, ang Bay Area sa Game 7 ng 2022 PBA Commissioner’s Cup sa iskor na 114-99, Linggo ng gabi.

Ayon sa PBA, bagong rekord ang naitalang dami ng mga manonood sa championship ng dalawang koponan.

Nagtala si Justin Brownlee ng 34 points, walong rebound at 12 assist para sa Gin Kings habang si Jamie Malonzo naman ay nakapag-contribute ng 22 points.

Ito na ang ika-15 titulo na naiuwi ng koponan.