INANYAYAHAN si Pangulong Duterte na dumalo sa Tokyo Olympics na gaganapin sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez na may slot ang Pangulo sa nasabing event.
“Ang Presidente, may slot doon sa IOC (International Olympic Committee) which was agreed upon by national Olympic Committee,” ani Ramirez.
Samantala, sigurado namang tutuloy si Ramirez at ang PSC staff sa Tokyo Olympics upang suportahan ang mga atleta.
“Tama lang na nandoon kami for whatever the needs of the athletes financially. I don’t want to be reprimanded by our government for remiss of the support of these athletes,” dagdag ng opisyal.
Nasa 19 na atletang Pinoy ay kasali sa palaro. –A. Mae Rodriguez