DAMIAN LILLARD, NAGDONATE NG 1M SA PGH

MAHIGIT P1 Million ang naipahatid na tulong ng NBA All-Star na si Damian Lillard para sa Philippine General Hospital nang malaman nyang nasunog ito kamakailan.

Ayon sa IG post ng Kapamilya Star na si Yassi Pressman, isa ang Portland Trailblazers star point guard sa mga nagpaabot ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng kanyang donation call para sa naturang ospital.

““Huuuuuge thanks to big brother @DamianLillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able to help,” sabi ni Yassi sa post.

Dati nang nakapag exhibition game si Lillard sa bansa sa kanyang tour para sa Adidas. Kasalukuyang nasa unang round ng playoffs ang kanyang koponan ngayon laban sa Denver Nuggets.