Carlos Yulo kumikinang sa Paris Olympics; naka-2 ginto na

HINDI pa man din nakakarecover ang Pinas sa tagumpay na idinulot ng unang ginto na nasungkit ni Carlos Yulo, muli na namang ginulat ng “golden boy” ang buong bansa nang manguna ito sa artistic gymnastics vault finals Linggo ng gabi, Agosto 4, 2024.

Dinaig ni Yulo na umiskor ng 15.116 ang mainit nitong katunggali na si Arthur Davtyan ng Armenia (14.966) at Harry Hepworth ng Great Britain (14.949).

Nasungkit ni Yulo ang ikalawang ginto isang araw matapos mapanalunan ang unang ginto sa finals ng floor exercise.