NAKAPAG-UWI ng ginto ang boksingerong si Carlo Paalam mula sa ASBC Asian Elite Boxing Championships sa Amman, Jordan, nitong Sabado.
Ito ay matapos talunin ni Paalam ang 2021 world championship silver medalist mula sa Kazakhstan na si Makmud Sabyrkhan via split decision.
Si Paalam na silver medalist sa 2020 Tokyo Olympics sa flyweight class at sumabak sa mas mabigat na ketegorya ay nakakuha ng iskor nsa 30-27 mula sa hurado galing United Arab Emirates, Slovakia, India at Ireland na may identical 29-28 scores na nagpatalo sa kanyan kalaban.
Binigyan naman ng hurado mula sa Italy ng 29-28 score na pabor kay Sabyrkhan.
Bukod sa ginto na dala ni Paalam, nakapag-uwi rin ang Pilipinas ng dalawang bronze medal mula naman kay Nesthy Petecio sa women’s 57kg featherweight at Hergie Bacyadan para naman sa women’s 75kg middleweight class.