Boss D isa sa most searched Pinay sa Google; fans nagpiyesta

BUMUHOS ang pagbati sa volleyball player na si Deanna Wong makaraang mapabilang siya sa most searched female personalities at sports-related lists ng Google Philippines.

Sa most searched female personalities ay ranked 3 si Deanna habang nasa ika-10 sa top sports-related searches.

Bunsod nito, nagdiwang ang kanyang mga tagasuporta at sinabing mananatili “on top” si Deanna kahit pa i-bash ito nang i-bash.

“Eto talaga ang sinasabing kapag may mabuting puso the more na ibinababa lalong itinataas ni Papa Jesus.”

“Kakabash nila, mas lalong nagiging sikat at nkikilala si deanna. Thank you bashers.”

“Hinahatak pababa,pero Ang dios humahatak pataas, were very proud of you.”

“Thanks to the bashers, sawsawero at mga inggit. Lalo nyo syang pinasikat. Natabunan ang Maharlika Fund. Mas importante pla c DW kesa sa future ng mga filipino.”

“Deserved m Yan boss D.congrats. Thank you s mga bashers umangat lalo c idol Boss D.”