PINANGUNAHAN ni Lionel Messi ang Argentina sa panalo nito sa FIFA World Cup 2022 championship game laban sa France nitong Linggo.
Deadlock ang dalawang koponan, 3-3, matapos ang 120 minutong laro sa Lusail Stadium, ngunit tuluyang naiuwi ng Argentina ang korona matapos ang 4-2 win sa penalty shootout.
Ito ang ikatlong World Cup champion ng Argentina.
Bago ito, huling nakuha ng Argentina ang World Cup noong 1986. Naiuwi ng Argentina ang kauna-unahan nilang korona noong 1978.
Tinanggap ni Messi ang Golden Ball award bilang best player ng tournament.
Tinanghal namang best goalkeeper si Emiliano Martinez habang ang Argentine midfielder na si Enzo Fernandez ang idineklarang best young player.