MAGLALARO sa championship game ng US Open Girls’ Singles ang Pinoy tennis star na si Alexandra “Alex” Eala.
Si Eala na No. 10 seed, ang kauna-unang Filipino na nakapasok sa junior grand slam singles final matapos talunin ang No.9 seed na si Victoria Mboko ng Canada, 6-1, 7-6 (5), sa semifinals nitong Biyernes sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York City.