Aira Villegas sigurado na sa bronze, makasungkit kaya ng ginto?

ISA pang kembot at sasabak na para sa ginto ang Pilipinas sa gagawing laban ng Pinas boxer na si Aira Villegas sa Paris Olympics women’s boxing 50kg finals.

Sigurado na si Villegas sa bronze medal matapos maitawid ang laban sa Pranses na si Wassila Lkhadiri Linggo ng madaling araw.

Naipanalo ng Pinay boxer ang laban sa iskor na 29-28, 29-28, 27-30, 28-29, 29-28.

Muntik pang masilat si Villegas ni Lkhadiri dahil sa mahigpit na unang dalawang round, lalo pa’t may homecourt advantage ang kalaban.

Lalaban si Villegas para sa semifinals kalaban ang third seed na si Buse Naz Cakiroglu ng Turkiye sa Martes, Agosto 6.