After 65 years: National University muling nag-kampeon sa UAAP women’s volleyball

MATAPOS ang 65-taon, muling nag-kampeon ang National University Lady Bulldogs sa UAAP Women’s volleyball.

Pinadapa ng Lady Bulldogs ang De La Salle University Lady Spikers matapos ang tatlong match ng champioship game.

Lalo pang pinatindi ng mga “batang Sampaloc” ang kanilang panalo dahil sa 16-0 sweep sa Season 84 ng UAAP.

Huling nag-kampeon ang NU noong 1956-1957 Season.

Samantala, umukit naman ng kasaysayan ang NU volleyball star na si Bella Belen matapos masungkit ang Season 84 Most Valuable Player at Rookie of the Year award.

Homegrown star si Belen na nagsimulang maglaro para sa NU noong high school pa lamang.