Zeinab sasalaing mabuti invited sa wedding

SIMPLE at intimate ang magiging kasal nina Zeinab Harake at Ray Parks Jr. na nakatakda sa 2025. Sa isang panayam, sinabi ni Zeinab na mga  kapamilya at malalapit lang na kaibigan ang iimbitahan niya.

“Gusto ko…mararamdaman natin ‘yung pagiging intimate, ‘yung love mas mangingibabaw kaysa ‘yung dami ng tao,” ayon sa aktres at social media personality.

“So mamimili talaga ako kung sino lang talaga ‘yung nasa buhay ko, ‘yun lang siguro ‘yung invited. Gusto ko simple lang,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Zeinab na imbes na bonggang wedding, mas gusto niyang ilaan ang pera para sa pagpapatayo ng dream house nila ni Ray.

“Gagandahan naman. Siyempre gusto ko maganda pero ayaw ko lang ng sobrang engrande,” punto niya.

“Isa pang pinag-uusapan namin ni daddy Ray kasi nakabili kami ng lot tapos gusto namin, plan sana namin na sana by two years, kaya siya magwa-one year pa ulit sa Japan, dahil du’n talaga para makapag-provide kami sa pagpapagawa ng bahay,” pahayag niya.

“Kaya kesa i-spend mo ‘yung malaking pera sa kasal parang mas maganda mag-spend for the future with the kids, ‘yun talaga. Dream house. Actually, excited ako para dito, dalawa kami, kaya work hard kami parehas,” dugtong ni Zeinab.