Zeinab naaalagaan, nadidiligan nang tama

INAMIN ng aktres at social media star na si Zeinab Harake na binubusog siya ng pagmamahal ng kanyang partner na si Ray Parks Jr. kaya kakaiba ang kanyang glow.

Ang nasabing “glow” ni Zeinab ang napansin ni Viy Cortez, isa pang social media personality, nang mag-collab ang dalawa sa isang vlog.

“Mas iba ‘yung pagka-blooming niya ngayon, iba talaga kapag minamahal nang tama, naaalagaan nang tama,” ani Viy kay Zeinab.

“Yes! Yes! Saka ‘yung dilig na tama. Charing!” sundot ni Zeinab.

“Pag ‘di ka nadiligan para kang halaman na lanta, e. [Ikaw] para kang bulaklak na nagbukas,” sey ni Viy.

“Tama! Mismo!” pagsang-ayon ni Zeinab.

Kaugnay nito, isinapubliko ni Zeinab na ginagagawa na niya ang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin noon.

“Ginagawa ko na! Hahahahaha!” chika ni Zeinab bagaman hindi niya isinapubliko kung ano ang tinutukoy niya.