NAG-propose ang aktres at social media star na si Zeinab Harake sa kanyang fiance na si Ray Parks sa Nagoya, Japan.
Sa vlog, nagbiro si Zeinab na gusto niyang mag-propose kay Ray para hindi na ito makawala.
“Di pwedeng ako lang ang tali rito ha,” sey niya.
“Na-engaged ako sa Pilipinas; may mae-engaged sa Japan!” dagdag niya.
Bumili si Zeinab ng simpleng gold band sa Cartier bago lumuhod at inalok ng kasal si Ray sa Oasis21, isang shopping complex-park sa Sakae District kung saan tanaw ang Mirai Tower.
“Dapat hindi lang babae, dapat pati lalaki [may engagement ring],” chika ng aktres at social media star.
Memorable sa dalawa ang Nagoya dahil ilang taon na nanirahan doon si Ray nang maglaro siya para sa Diamond Dolphins ng Japan B League.
“Dami naming memories sa Nagoya,” sabi ni Zeinab sa boyfriend.
“Dito mo ‘ko ginayuma.”
Bago sa Nagoya, gumala ang mag-partner sa Osaka kasama ang kani-kanilang mga kapatid na sina Rana at Celine.
Zeinab Harake lumuhod kay Ray Parks Jr. sa Japan
